MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga mamamayang filipino na yakapin ang diwa ng pakikiramay at paglilingkod kasabay ng pakikiisa nito sa Muslim community sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Tanda ito ng pagtatapos ng holy month of Ramadan, araw ng Lunes, Marso 31, 2025.
Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na maliban sa religious significance ng nasabing pagdiriwang, ang tunay na diwa ng Eid’l Fitr ay nasa pagtulong sa mga nangangailangan at pagpapalaganap ng kaligahayan sa kanilang komunidad.
Inilarawan naman ng Pangulo ang Eid’l Fitr bilang “a time of dignified worship, deep reflection, and solemn prayer.”
“In spirit, the Festival of Breaking the Fast is more than a celebration; it is a testament to our desire for shared humanity, strengthening bonds of family and friendship, as well as unity among our peers,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Beyond the values that Ramadan emphasized, let us continue to be inspired to extend our hands in service, uplift those in need, and help find joy in those who seek it,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, sinabi ng Chief Executive na ang tunay na pagkakaisa at kapayapaan ay maaaring makamit sa pamamagitan ng mamuhay na may ‘full of compassion at inclusivity, kahalagahan na nakapaloob sa turo ng Propetang Muhammad.
“Only through living with compassion and inclusivity can we appreciate and understand what Prophet Muhammad sought to accomplish—a life where harmony and love prevail upon us all,” ang sinabi pa rin ng Punong Ehekutibo.
Binigyang diin pa rin ni Pangulong Marcos ang ‘shared responsibility’ ng lahat ng mga filipino para suportahan ang isa’t isa lalo na sa panahon ng krisis at mga panahon ng pagsubok.
Nanawagan naman si Pangulong Marcos sa lahat na yakapin ang ‘acts of kindness, engage in meaningful conversations, and participate in activities’ na magkaisa ang mga pamayanan at pangalagaan ang ‘sense of solidarity.’
“May the acts of kindness, engaging conversations, and delightful activities that bring communities together define our actions moving forward,” ang winika pa rin ni Pangulong Marcos.
“Let us continue to embody the virtues of dedication and faithso we canfoster a more equitable and peaceful Bagong Pilipinas,” ang lahad nito. Kris Jose