Home NATIONWIDE Higit 200 tauhan ng BFP iniimbestigahan sa ‘slot-for-sale’ recruitment scheme

Higit 200 tauhan ng BFP iniimbestigahan sa ‘slot-for-sale’ recruitment scheme

1
0

MANILA, Philippines – Mahigit 200 tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang iniimbestigahan sa umano’y “slot-for-sale” recruitment scheme, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Biyernes, Agosto 28.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na sakop ng imbestigasyon ang mga tauhan sa buong bansa at bahagi ng hakbang para sugpuin ang korapsyon sa BFP.

“Binabalaan ko na ang lahat ng opisyal ng BFP. Lumabas na kayo ngayon at umamin kayo o hahabulin namin kayo hanggang matapos ang career niyo,” ayon kay Remulla.

“Ang iniimbestigahan namin ngayon ay lumagpas ng 200 tao na tungkol sa slots for sale,” dagdag pa niya.

Ang imbestigasyon ay kasunod ng entrapment operation na ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 sa San Fernando City, Pampanga noong Agosto 24.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 32-anyos na tauhan ng BFP na nahuling tumtanggap ng P300,000 mula sa complainant kapalit ng pagkakaroon ng posisyon sa ahensya.

Nagbayad ng P100,000 at P800,000 ang ibang aplikante para sa slot sa BFP sa iligal na paraan.

“It’s a P15 billion a year industry,” sinabi ni Remulla.

Iniugnay din sa recruitment scheme ang isang senior BFP officer sa Calabarzon na inalis na sa pwesto at inilagay sa restrictive duty habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nangako naman si Remulla na lilinisin ang BFP at reresolbahin ang isyu sa loob ng anim na buwan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here