Home NATIONWIDE Higit 3K PDL bumoto sa Halalan 2025

Higit 3K PDL bumoto sa Halalan 2025

MANILA, Philippines- Nasa kabuuang 3,550 persons deprived of liberty (PDLs) sa lahat ng prison facilities ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong bansa ang bumoto kahapon, May 12.

Ayon sa BuCor, ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang may pinakamataas na turnout na 1,373 na botante.

Kabilang din sa mga bumoto ay ang 1,065 na PDL mula sa Davao Prison and Penal Farm; 425 mula sa Leyte Regional Prison; 293 na PDL sa San Ramon Prison and Penal Farm; 270 na PDL sa Correctional Institution for Women in Mandaluyong City at 124 sa Iwahig Prison and Penal Farm.

Ang mga kwalipikadong bumotong PDL ay ang mga sumasailalim pa sa paglilitis ang kaso, ang mga may sentensya na hindi tataas sa isang taon ang hatol ng pagkakulong at mga may kaso ng rebellion o paglabag sa batas sa national security na nakaapela pa ang kaso.

“The successful turnout of this year’s PDL voting reflects the government’s continuing commitment to inclusive and participatory governance, even for those on the margins of society,” ani BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Una nang inihayag ng BuCor na nasa 4,125 PDL ang kwalipikado na bumoto. Teresa Tavares