MANILA, Philippines- Binigyan ng limang araw ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato para tanggalin o baklasin ang kanilang campaign materials.
Paalala ng Comelec, ito ay upang hindi na maharap sa election offense ang kandidato base na rin sa resolusyon ng fair election act na posibleng maging dahilan ng diskwalipikasyon.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco, nakatutok ang task force para mapanagot ang mga hindi susunod.
Matatandaang sa pagsisimula ng campaign period, ipinakita ng Comelec na seryoso sila na ipatupad ang nasabing resolusyon.
Ang mga kandidatong naglagay ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar ay sinampahan ng Task Force Baklas ng disqualification case. Jocelyn Tabangcura-Domenden