IRAQ – Mahigit 600 pilgrims sa Iraq ang naospital sa respiratory problems matapos makalanghap ng chlorine bilang resulta ng leak sa isang water treatment station.
Ang insidente ay nangyari sa magdamag sa ruta sa pagitan ng dalawang Shiite holy cities ng Najaf at Karbala, na matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Iraq.
Ngayong taon, ilang milyong Shiite Muslim pilgrims ang inaasahang magtutungo sa Karbala.
Sa maikling pahayag, sinabi ng health ministry ng Iraq na “621 cases of asphyxia have been recorded following a chlorine gas leak in Karbala”.
“All have received the necessary care and left hospital in good health,” dagdag pa.
Samantala, sinabi ng security forces na nakatalaga sa pagprotekta sa mga pilgrim na ang insidente ay dahilan ng “a chlorine leak from a water station on the Karbala-Najaf road.” RNT/JGC