Home NATIONWIDE Guro patay sa binagsak na estudyante

Guro patay sa binagsak na estudyante

295
0

LANAO DEL SUR-PATAY ang isang guro matapos barilin ng kanyang estudyante na umano’y binagsak nito sa kanyang subject, iniulat kahapon, Agosto 10 sa bayan ng Balabagan.

Kinilala ang biktimang si Danilo Barba, 34-anyos, guro ng Balabagan Trade School, Barangay Narra, ng nasabing bayan habang nadakip naman ang suspek na si Kaizer, 20-anyos, Grade 11 student ng nasabing paaralan.

Batay sa report ng Balabagan Municipal Police Station, bandang 8:00 ng umaga noong Agosto 4, 2025, naganap ang krimen sa loob ng nabanggit ng paaralan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, papasok ang biktima sa loob ng campus ng harangin ito ng suspek saka binaril sa ulo gamit ang .45 kalibre na baril.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Agad naman nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at mabilis na nadakip ang suspek na nagtago ng kanyang kaanak sa Marogong.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek na binaril niya ang biktima dahil ibinagsak siya nito.

Nabatid, na hindi lamang sa subject ni Barba bagsak ang suspek kundi may iba pang subject na bagsak din ang grado nito.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here