Home NATIONWIDE Higit 600K biyahero inaasahan sa PH ports sa pagtatapos ng holiday season

Higit 600K biyahero inaasahan sa PH ports sa pagtatapos ng holiday season

MANILA, Philippines- Inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mahigit 600,000 pasahero sa mga pantalan sa buong bansa mula Biyernes hanggang Linggo bilang bahagi ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na pauwi mula sa holiday break.

Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na handa ang mga PPA port para sa pagdami ng mga pasahero, at mananatili ang mahigpit na seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga maritime traveler.

Pinayuhan ni Santiago ang mga pasahero na maagang mag-book ng kanilang biyahe upang maiwasan ang anumang hassle sa ticketing booths.

Ayon kay Santiago, ang pagtaas ng bilang ng mga biyahero ngayong holiday season ay dahil na rin sa maliit na bilang ng mga bumiyahe noong Undas.

Aniya, lahat ng PPA ports ay nanatiling naka-heightened alert na may 3,000 security personnel at force multipliers na nakatalaga sa lahat ng PPA ports sa buong bansa.

Nagbabala rin si Santiago sa mga pasahero laban sa pagdadala ng mga ipinagbabawal na items sa mga pantalan tulad ng flammable materials, kutsilyo (kabilang ang pocket at card knives), lighters, at mapanganib na armas. Jocelyn Tabangcura-Domenden