MANILA, Philippines- Nagpahayag ng kalungkutan si Pope Francis sa nangyaring pag-atake sa Estados Unidos.
Sa kanyang Angelus Prayer noong Huwebes, nagpaabot ng pakikiramay ang Santo Papa sa Arsobispo ng New Orleans sa nangyaring pag-atake sa nasabing bayan.
Sa pangyayari, 15 indibidwal ang napatay base sa mensahe na ipinadala sa Vatican.
“His holiness Pope Francis was deeply saddened to learn of the loss of life and injury caused by the attack,” ayon sa Vatican’s secretary of state, Cardinal Pietro Parolin, kay Archbishop Grego Aymond.
Idinagdag pa na ang Papa ay nananalangin para sa kagalingan at consolation ng mga nasugatan at naulila. Jocelyn Tabangcura-Domenden