Home METRO Higit 7K nakibahagi sa ‘Takbo para sa West PH Sea’

Higit 7K nakibahagi sa ‘Takbo para sa West PH Sea’

MANILA, Philippines- Mahigit 7,000 Pilipino ang nakilahok sa advocacy run na “Takbo para sa West Philippine Sea” sa Pasay City nitong Linggo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Inihayag ng PCO na inorganisa ng RUNRIO Inc, Philippine Coast Guard (PCG), National Task Force-West Philippine Sea, Philippine Information Agency (PIA), at ng PCO ang nasabing event.

Sinabi ni PCG spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela na ang “high turnout of participants is indicative of ordinary Fiipinos’ support for the government’s advocacy” sa rehiyon, at inilahad na nakatulong itong itaas ang morale ng uniformed personnel ng bansa.

Kasado ang second leg ng event sa Cebu sa Agosto 4, habang gaganapin sa Cagayan de Oro ang third leg sa Setyembre 8, base sa PCO.

“Our intention for this activity is to [raise] awareness on the efforts done by the national government to fight for the West Philippine Sea,” wika ni Tarriela.

Binabalak din ng ibang lokal na pamahalaan na magsagawa ng parehong event sa kani-kanilang lugar, dagdag ng opisyal. RNT/SA