Home NATIONWIDE Drayber binoga sa ulo, patay!

Drayber binoga sa ulo, patay!

TUAO, Cagayan – Halos naliligo na ng sariling dugo ang isang drayber na pinagbabaril sa ulo at ibang bahagi ng kanyang katawan sa Barangay Mungo, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Dominador Olalan, 38-anyos at residente ng Brgy. Divisoria, Santiago City habang ang suspek ay hindi pa alam ang pagkakilanlan.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na nakahandusay sa semento at sinubukan pang dalhin sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa nangyaring pamamaril sa biktima. Rey Velasco