MANILA, Philippines- Inihayag ni Finance Secretary Ralph G. Recto na posibleng naabot na ng inflation ang peak nito, kaya naman inaasahan ang unti-unting pagbagal ng pagtaas ng presyo ng pagkain sa mga susunod na buwan.
Inihayag ni Recto na maaaring magresulta ang patuloy na pagluwag ng inflation sa pagkonsidera ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang key interest rates nito “soon.”
“Inflation may have peaked and is on the way down,” mensahe ni Recto nitong Lingo. “We expect food inflation to continuously decrease.”
Noong nakaraang linggo, iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal ang inflation sa 3.7 porsyento noong Hunyo, mula sa 3.9 porsyento noong Mayo.
“Maybe we can reduce policy rates soon,” wika ni Recto, Cabinet representative ni Pangulong Marcos sa Monetary Board. RNT/SA