Home NATIONWIDE Pagkakaloob ng career executive service rank sa NDCP grads pinawalang-bisa ni PBBM

Pagkakaloob ng career executive service rank sa NDCP grads pinawalang-bisa ni PBBM

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapawalng-bisa ng polisiya na nagkakaloob ng career executive service (CES) eligibility sa graduates ng Master of National Security Administration (MNSA) program ng National Defense College of the Philippines (NDCP).

Ipinalabas ng Pangulo ang kautusan bilang tugon sa naging rekomendasyon ng Career Executive Service Board (CESB) na bawiin ang polisiya “to synchronize the standards and procedures for the conferment of CES rank,” base sa Executive Order No. 63 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hulyo 2.

Nakasaad sa Saligang Batas na ang appointments sa civil service ay dapat gawin na naaayon lamang sa merito at kaangkupan para idetermina ang ‘practicable’ at maliban sa posisyon na pawang mga ‘policy-determining, primarily confidential, o highly technical’ ng competitive examination.

Bago pa ipalabas ang EO, ang graduates ng MNSA program ng NDCP na itatalaga sa CES positions ay pagkakalooban ng CES rank na katumbas ng kani-kanilang posisyon, ito’y napapailalim sa requirements na ipag-uutos at mandato ng CESB.

Gayundin, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na ipawalang-bisa ang Sections 1 at 2 ng EO No. 145. “All other orders, rules, and regulations, as well as other issuances or parts thereof which are inconsistent with the provisions of EO. 64 are deemed repealed or modified accordingly.”

Inatasan pa ng Pangulo ang CESB na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para bumalangkas at magpalabas ng mga alituntunin para sa epektibong implementasyon ng kautusan. Kris Jose