Home METRO Higit 800 baril nakumpiska sa kampanya vs loose firearms

Higit 800 baril nakumpiska sa kampanya vs loose firearms

Larawan kuha ni Val Leonardo

Bulacan – Nasa 842 na mga baril ang nakumpiska ng mga awtoridad sa kanilang pinaigting na kampanya kontra loose firearms sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa datos ni PRO3 Director PBGEN Redrico Maranan mula sa Regional Operations Division, ang 842 mga baril ay nakumpiska sa ibat-ibang panig ng Gitnang Luzon mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 23, taong kasalukuyan.

Dahil dito, may 239 indibiduwal ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Larawan kuha ni Val Leonardo

Nabatid na mula sa bilang na 842 na iligal na armas ay may 832 ang short firearms dito at 10 ang light weapons ang kabuuang nasamsam

Napagalamang 280 naman sa mga ito ang nasamsam sa law enforcement operations gaya ng search warrant at checkpoint operations habang isinuko ng mga may-ari ang 153 armas at 409 naman ang narekober sa Revitalized Katok.

“Ang mga illegal na armas ay banta sa kaligtasan ng publiko lalo na kadalasan itong ginagamot ng mga kriminal, upang maisagawa ang kanilang masamang hangarin kung kaya naman paulit-ulit tayong nanawagan sa publiko na agad ipagbigay-alam ang mga may-ari o nagbebenta ng mga illegal na armas,” ani Maranan.

Hinikayat din ng heneral ang mga nagmamay-ari ng baril na i-renew ang kanilang lisensiya upang maiwasang makatok ng pulisya at sakaling isuko naman ay bibigyan ng acknowledgement receipt para sa safekeeping. Dick Mirasol III