MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na inaasahang mapapalaya bago mag-Pasko ang nasa 5,000 hanggang 10,000 persons deprived of liberty (PDL).
Ito ay kasunod ng pagsasapinal ng mga patakaran at regulasyon para sa Good Conduct Time Allowance na naaangkop sa mga nahatulan ng mga karumal-dumal na krimen.