Home METRO Higit P.5M tobats nasabat sa Makati anti-drug ops

Higit P.5M tobats nasabat sa Makati anti-drug ops

MANILA, Philippines – Sa ikinasang anti-drug operation ng iba’t-ibang unit ng Makati City police ay nakumpiska ang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu kasabay ng pagkakaaresto ng isang suspect Biyernes ng gabi, Abril 11.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director PBGen Joseph Arguelles ang inarestong suspect na si alyas Roderick, 50, construction worker, residente ng Bonifacio St., Barangay Poblacion, Makati City.

Base sa ulat ng Makati City police, naganap ang pagdakip sa suspect bandang alas 7:22 ng gabi sa isinagawang anti-drug operation ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Special Weapons and Tactics (SWAT) at ng Poblacion Sub-station sa bahay ng suspect sa Bonifacio Street, Barangay Poblacion, Makati City.

Sa superbisyon ni Makati City police chief P/Col Jean I. Dela Torre sa pagsasagawa ng naturang operasyon at sa bisa ng search warrant na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) 3rd Vice Executive Judge Rico Sebastian D. Liwanag ng Branch 136 ang naging dahilan ng matagumpay na pagkakadakip sa suspect.

Narekober sa posesyon ng suspect ang 83 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P564,400 at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police. James I. Catapusan