Home METRO Higit P1.38M ilegal sigarilyo nasamsam sa Central Luzon ops

Higit P1.38M ilegal sigarilyo nasamsam sa Central Luzon ops

135
0

PAMPANGA, Philippines – Nasamsam ng Police Regional Office 3 (Central Luzon) ang mahigit ₱1.38 milyon na halaga ng ilegal na sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija at Pampanga mula Abril 6 hanggang 7.

Ayon sa PRO-3, bahagi ito ng pinalakas na kampanya laban sa iligal na transport at distribusyon ng mga produktong tabako na walang buwis sa rehiyon.

Sa Nueva Ecija, naharang sa checkpoint sa Zaragoza bandang 11:30 p.m. noong Abril 6 ang isang puting Nissan Urvan na may laman na 85 kahon ng ilegal na sigarilyo na tinatayang ₱1.02 milyon ang halaga. Dalawang suspek—isang 46-anyos na driver at 36-anyos na helper—ang naaresto matapos mabigong magpakita ng kaukulang dokumento.

Sa Pampanga naman, bandang 12:20 p.m. noong Abril 7, isang buy-bust operation sa Arayat ang nagresulta sa pagkakaaresto ng 43-anyos na lalaki at pagkakasamsam ng 19 kahon ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱360,000, kasama ang sasakyang ginamit sa transaksyon. May isa pang suspek na pinaghahanap pa.

Ayon sa pulisya, walang tax stamps mula sa Bureau of Internal Revenue ang mga nakumpiskang sigarilyo, na paglabag sa National Internal Revenue Code.

“This is about protecting our economy, ensuring fair business practices, and safeguarding government revenues. We will continuously sustain and intensify our operations in line with the PNP (Philippine National Police) Focused Agenda,” ani PRO-3 Director Brig. Gen. Jess Mendez.

Binanggit din ng mga hepe ng Nueva Ecija at Pampanga police ang kahalagahan ng checkpoint at intelligence-driven operations upang mapigilan ang iligal na kalakalan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here