Home METRO Higit P1M ismagel na yosi nasabat ng PCG

Higit P1M ismagel na yosi nasabat ng PCG

MANILA, Philippines – Higit isang milyong halaga ng kontrabando ang nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Balwharteco Port, Looc, Allen, Northern Samar.

Ayon sa PCG, ang kontrabando ang nakalagay sa isang premium van na naglalaman ng 700 reams ng bawal na sigarilyo na binubuo ng 600 reams ng Fort Menthol Cigarettes at 100 reams ng Bravo Red Cigarettes at nagkakahalaga sa kabuuang P1,050,000

Galing ang mga puslit na sigarilyo sa Davao City at dadalhin sa Cubao, Quezon City.

Kinumpiska ng PCG team ang nasabing kontrabando at binanggit na lumabag ito sa Sec. 263 at Sec. 265 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Itinurn over na rin ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 8 para sa documentation at proper disposition. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)