Home NATIONWIDE P1.5M halaga ng pekeng produkto nasamsam ng NBI

P1.5M halaga ng pekeng produkto nasamsam ng NBI

MANILA, Philippines – Mahigit sa P1.5 milyon halga ng pekeng’ bags ,rash guards at insecticides na may kilalang trademarks ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang operasyon sa Maynila, Pasay, City at Bulacan.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na nasamsam ang mga “pekeng” rash na produkto na may trademark na “HOPO” at “OOP” , mga bag na may “Hawk” na trademark, at mga insecticides na may mga trademark na “Bao Li Lai” at “100 Hundred.”

Gayunpaman, hindi sinabi ng NBI sa kanilang pahayag kung may naaresto sa pagsalakay at kung paano nito natukoy ang authencity ng mga nasamsam na produkto na may trademarks ng kilalang tatak.

Sinabi nito na isinagawa ang unang operasyon noong Nobyembre 21. Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng P853,140 halaga ng pekeng “Hawk” bags mula sa dalawang storage facility sa barangay Talampas sa Bustos, Bulacan.

Ang ikalawang operasyon aniya ay sa Pasay City kung saan nasamsam ang P200,000 halaga ng mga “pekeng” rash guard na may tatak na “HOPO” at “OOP” .

Nasamsam naman ang mga “pekeng” insecticides na nagkakahalaga ng P450,000 sa dalawang bodega sa Tondo, Maynila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)