Home METRO Higit P28.5M marijuana, sinira ng PNP sa Cordillera

Higit P28.5M marijuana, sinira ng PNP sa Cordillera

115
0

BENGUET, Philippines – Sinira ng Philippine National Police ang mahigit ₱28.5 milyong halaga ng marijuana plants sa isang linggong anti-narcotics operation sa Cordillera region.

Ayon sa PNP, nagsagawa sila ng 24 operasyon mula Marso 23 hanggang 29 sa mga lalawigan ng Benguet at Kalinga.

Sa Benguet, 22 operasyon ang nagresulta sa pagkadiskubre ng mahigit 80,000 fully grown marijuana plants at 57,000 grams ng tuyong marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng halos ₱23 milyon.

Sa Kalinga naman, dalawang operasyon ang nagresulta sa pagkasira ng 28,000 marijuana plants na may halagang ₱5.6 milyon.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang kanilang operasyon upang sirain ang pinagmumulan ng iligal na droga bago pa ito makarating sa mga komunidad.

Hinimok din niya ang publiko na agad i-report ang anumang kahina-hinalang taniman o aktibidad upang makatulong sa kampanya laban sa ilegal na droga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here