Home NATIONWIDE VP Sara di kinonsulta sa petisyon vs impeachment

VP Sara di kinonsulta sa petisyon vs impeachment

125
0

DAVAO, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi siya kinonsulta ng grupo ng mga abogado na naghain ng petisyon sa Supreme Court of the Philippines noong Marso 27 na humihiling na pigilan ang impeachment proceedings laban sa kanya sa House of Representatives.

Ayon sa bise presidente, hindi siya kasali sa naturang legal move at iniwan na niya ang isyu sa kanyang mga abogado.

Nagpasalamat din siya sa mga independent lawyers na naghain ng petisyon, kahit hindi sila bahagi ng kanyang legal defense team, dahil sa kanilang pagsuporta sa Konstitusyon at pagtutol sa sinasabing maling paggamit ng impeachment process.

Ang petisyon na inihain ng grupong pinamumunuan ni Atty. Israelito Torreon ay humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injunction upang ihinto ang anumang aksyon ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaints.

Iginiit ng mga petitioner na may umano’y procedural at constitutional issues sa pagproseso ng mga reklamo, kabilang ang paulit-ulit na pag-refile at pag-endorso ng mga ito.

Ayon sa kanila, dapat na agad ibasura ang mga impeachment complaint na kulang sa pormalidad at hindi na dapat ipagpatuloy pa ang mga pagdinig o deliberasyon kung may depekto na ito sa simula pa lamang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here