MANILA, Philippines- Nakapag-uwi ng tumataginting na P303.5 milyong jackpot ang isang manlalaro matapos makuha ang jackpot prize sa Casino Plus dahil sa pagtaya lamang ng P50.
Sa isang press conference, sinabi ni Casino Plus CEO Evan Spytma na ang naging tagumpay ng manlalaro ay nagpapatunay din ng pangako ng platform sa transparency at pagiging patas sa mga operasyon nito.
Kilala ang Casino Plus sa mahigpit nitong mga pamantayan sa pagpapatakbo at dedikasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng gumagamit nito.
Ito rin ay kinikilala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang isa sa mga laro ng Casino Plus ay ang Color Game kung saan nagwagi ng milyong-milyong halaga ng piso ang 22 taong gulang na babaeng player.
Ayon sa jackpot winner, malaki ang mababago sa kanyang buhay sa napakalaki niyang premyo at ang uunahin niyang paglaanan ng napanalunan ay bahay at lupa para sa kanyang pamilya .
Nais din niyang tulungan ang ilang nangangailangan. Kasabay ng kanyang malaking tagumpay ang pasasalamat dahil sa hindi niya inaasahang swerteng nakamit sa pagtaya lamang niya ng halagang P50.
Pinoproseso ang bawat taya at bawat panalo sa pamamagitan ng transparent at bukas na mga pamamaraan, at tinitiyak na ang bawat taya at bawat panalo ng lahat ng mga manlalaro ay dumaraan sa patas na pamamaraan. Higit na nagpapatibay ang pinakabagong jackpot na ito sa Casino Plus bilang isang pinagkakatiwalaang platform para sa mga gumagamit nito.
Kasabay ng ceremonial awarding, binati ni Spytma ang jackpot winner at pinayuhan na i-enjoy lamang ang kanyang napanalunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden