MANILA, Philippines – Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nasa mahigit P6 milyon halaga ng hinihinalang substandard na “Penolic Plywood” sa isang warehouse sa Global Aseana Park 1, Barangay Dela Paz, San Simon, Pampanga.
Naaresto din ng CIDG ang isang Chinese national at nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 7,024 na piraso ng umano’y mga substandard na plywood na nagkakahalaga ng P6,231,000.
Sa bisa ng Search Warrant mula sa Korte, sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing establisimiyento.
Ayon sa imbestigasyon, wala umanong clearance ang mga nasabing produkto mula sa Department of Trade and Industry- Bureau of Standards (DTI-BPS).
Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang nadiskubreng isang shotgun at apat (4) na bala ng 12-gauge shotgun na pagmamay-ari ng umano ng suspek.
Nahaharap ang naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act No. 7934 o “Consumer Act of the Philippines at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. ROEL TARAYAO