Home NATIONWIDE Local cooperatives sa Region 9, 10 mahalaga – Bong Go

Local cooperatives sa Region 9, 10 mahalaga – Bong Go

254
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga lokal na kooperatiba nang magpamigay ng mga pinansyal na tulong ang Cooperative Development Authority sa pamamagitan ng programa nitong Malasakit sa Kooperatiba nitong Disyembre 6, 2025 sa Hotel Conchita, Cogon Market, Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Go, “Ako ay patuloy na susuporta sa mga programa at panukalang batas na makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng kooperatiba. Naniniwala akong isang mahalagang haligi ng ating ekonomiya ang kooperatiba sa pagbabawas ng kahirapan sa ating bansa.”

Bilang miyembro ng Senate Committee on Cooperatives, binanggit ni Go ang partnership niya at ng CDA para sa tiyak na pagsasapatupad ng cooperative support programs gaya ng Malasakit sa Koopertiba na nakatuon, hindi lang sa tulong-pinancial kundi sa pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga miyembro ng kooperatiba na magbigay ng kontribusyon sa ikagagaling ng kani-kanilang mga komunidad.

May kabuuang 56 kooperatiba ang sumali sa aktibidad at 120 katao ang kumatawan ng nasabing mga rehiyon.

Nakatanggap ang mga sumali ng food packs, shirts, mga bola, pen at abaniko habang pamasahe, bola, pen, abaniko, sapatos at jacket naman ang natanggap ng mga kooperatiba.

Pinaalalahanan ni Go ang mga benepisyaryo ng tamang paggamit ng tulong ng pamahalalan. “Ang pondong natanggap ay puwedeng gamitin bilang kapital para mapalago ang kabuhayan. Puwede rin itong gamiting puhunan sa maliit na negosyo. Ang layunin natin ay mapalakas ang kakayahan ng mga kooperatiba na tumulong sa kanilang mga miyembro at sa kanilang komunidad.”

Ang adbokasya ni Go para sa pagpapaunlad ng kooperatiba ay makikita sa mga batas na kanyang sinalihang ipanukala gaya ng Republic Act No. 11535 na nagtatalaga ng cooperative development officers sa mga local government unit.

Gayundin ang RA 11502 na nagtakda sa buwan ng Oktubre na bilang National Cooperative Month.

Sa mga batas na ito isinusulong ang mga tagumpay sa kooperatiba at ang mga pangako ni Go na palakasin lalo ang kilusang kooperatiba sa buong bansa. “Patuloy po akong sumasaludo sa inyong mga lider at mga miyembro at asahan ninyog patuloy kong susuportahan ang inyong mga adbokasya… Sama-sama tayong magtulungan para sa ikabubuti ng bayan.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here