Home Uncategorized Higit P80K na exotic na palaka naharang ng BOC

Higit P80K na exotic na palaka naharang ng BOC

MANILA, Philippines – NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Ninoy Aquino International Airport (NAIA), katuwang ang operatiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang isang kargamento na naglalaman ng mga “exotic wildlife” na nagmula sa bansang Malaysia.

Ayon sa BOC, ang nakumpiskang mga exotic wildlife ay binubuo ng limang ulo ng Pacman frogs na tinatayang may market value na nagkakahalaga ng P81,795.00 ay natagpuang misdeclared bilang “accessories” at na-consign sa isang address sa San Pedro Laguna.

Ang labag sa batas na pangangalakal ng kakaibang hayop ay isang seryosong paglabag at direktang paglabag sa Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Alinsunod sa mga batas na ito, ang mga nakumpiskang Pacman na palaka ay kaagad na iitinurn-over sa DENR para sa maayos na pag-iingat at karagdagang kinakailangang aksyon.

Pinuri naman ni Customs Commissioner Bien Rubio ang magkatuwang na pagsisikap ng BOC-NAIA, DENR, at Enforcement and Security Service – Environmental Protection & Compliance Division (ESS-EPCD) ng BOC.

“We are fully committed to eradicating illegal wildlife trading in our country. Our agencies will continue to work hand in hand to protect our precious wildlife and uphold the rule of law,” ani Rubio. JAY Reyes