Home NATIONWIDE Hilaga at gitnang Luzon uulanin sa habagat

Hilaga at gitnang Luzon uulanin sa habagat

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang habagat at magbibigay ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Hilaga at Gitnang Luzon ngayong Miyerkules, iniulat ng PAGASA.

Binabantayan din ng weather bureau ang isang tropical cyclone, na nasa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR).

As of 3 a.m., ang Severe Tropical Sorm Ampil ay nasa layong 1,895 kilometro silangan hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 135 kph, at mabagal na kumikilos pahilagang-silangan.

Ang Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms na may flash floods o landslides na posibleng mangyari sa panahon ng matinding thunderstorm.

Ang forecast ng bilis ng hangin para sa Hilaga at Gitnang Luzon ay mahina hanggang sa katamtaman na kumikilos sa timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging bahagyang hanggang sa katamtaman.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog hanggang sa timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw ng 5:42 AM, habang lulubog ito ng 6:19 p.m. RNT