MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang urgent request ng nakakulong na si former Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na pansamantalang makalabas ng piitan upang makadalo sa burol ng kaniyang kapatid.
Nahaharap si Revilla sa mga kasong malversation at graft kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Noong February 9, 2026, humarap si Revilla sa Sandiganbayan sa Quezon City para sa kaniyang nakatakdang arraignment, kasama ang kaniyang mga kapwa akusado sa graft and corruption charges na may kaugnayan sa umano’y anomalous “ghost flood control projects” sa Bulacan. RNT