Home NATIONWIDE Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng M-5.1 na lindol

Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng M-5.1 na lindol

2
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur nitong Linggo ng gabi, Hunyo 14.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay tumama 10:08 ng gabi sa silangan ng Hinatuan.

Una itong naitala sa magnitude 5.0 ngunit itinaas sa magnitude 5.1.

Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 10 kilometro.

Walang inaasahang pinsala sa lindol ngunit inabisuhan ang mga residente na maging handa sa mga aftershock. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here