Home METRO Hinihinalang bomb maker ng Daulah Islamiya group sa Cotabato City, arestado

Hinihinalang bomb maker ng Daulah Islamiya group sa Cotabato City, arestado

COTABATO City – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamamagitan ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) ang suspek na si Lutre Aman, isa umanong gumagawa ng bomba, na kilala bilang miyembro ng teroristang grupo, Daulah Islamiya-Hassan.

Sinabi nito na si Aman ang responsable sa pambobomba sa isang bus noong Enero 2021 sa Tulunan, North Cotabato. Ang pambobomba ay nagresulta ng pagkamatay ng isang nagtitinda ng prutas at pagkasugat ng marami pang iba.

Dagdag pa ng NBI na si Aman ang responsable sa pagsunog ng isa pang bus noong Hunyo 2021 sa Miang, Cotabato.

Sinabi nito na dalawang sangay ng RTC ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Aman para sa murder, multiple frustrated murder, at destructive arson.

Sinabi rin nito na isinagawa ang operasyon laban kay Aman matapos itong makatanggap ng impormasyon na siya ay nakita sa Cotabato City. RNT/MND