MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na sapat ang panukalang ₱903 milyon na budget para sa 2026 upang maipagpatuloy ang mga kasalukuyang programa, basta’t walang bawas.
Ayon kay OVP spokesperson Atty. Ruth Castelo, naka-allocate na ang buong pondo sa bawat programa, kabilang ang pagtaas ng pondo para sa disaster response.
Mananatili rin ang budget ng “Mag-Negosyo Ta ‘Day” at patuloy ang pagtanggap ng donasyong kagamitan mula sa pribadong sektor.
Nagbabala si Castelo na posibleng maapektuhan ang mga bagong programa kung mababawasan ang pondo. Mula Hulyo 14 hanggang Agosto 5, nakatulong ang OVP sa mahigit 82,000 indibidwal sa iba’t ibang lugar. RNT