Home NATIONWIDE Hirit na miting ni VP Sara kay PBBM, ‘fake news’ – Poa

Hirit na miting ni VP Sara kay PBBM, ‘fake news’ – Poa

21
0

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni Vice President Sara Duterte, ang kumakalat na ulat na nais nitong makipagpulong nang pribado kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Fake news,” tugon ni Poa nang tanungin sa isang ambush interview sa gitna ng impeachment trial nitong Lunes, Agosto 24.

Hindi na nagbigay si Poa ng detalye tungkol sa pinagmulan ng ulat o kung may iba pang planong pakikipag-ugnayan ang Bise Presidente kay Marcos.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na wala itong impormasyong makapagpapatunay sa iniulat na kahilingan ni Duterte para sa isang pribadong pagpupulong sa Pangulo.

Ginawa ni Poa ang paglilinaw habang nagpapatuloy sa Senate impeachment court ang paglilitis kay Duterte. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here