MANILA, Philippines – Umabot na sa full bed capacity ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City nitong Linggo, Agosto 23 dahil sa dami ng mga kaso ng leptospirosis.
Dahil dito ay pansamantalang limitado ang pagtanggap ng walk-in patients.
Sa abiso sa kaparehong araw, sinabi ng NKTI na ang hakbang na ito ay dahil sa mataas na bilang ng mga pasyente sa emergency room.
Ang mga pasyente na mangangailangan ng non-emergency admission ay inabisuhan na makipag-ugnayan muna sa kanilang attending physician at ikonsidera ang iba pang healthcare facilities na may available beds upang maiwasan ang mahabang paghihintay.
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat sa banta ng leptospirosis lalo ngayong tag-ulan. RNT/JGC