Home HOME BANNER STORY Hirit na P15 na pamasahe sa jeep, diringgin ng LTFRB

Hirit na P15 na pamasahe sa jeep, diringgin ng LTFRB

MANILA, Philippines – Nagtakda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng petsa para dinggin ang petisyon na itaas ang minimum fare sa jeepney sa P15.

“’Yung pending [petition], may hearing kami sa February 19, 2025… Ito ‘yung pending pa noong 2023, kung saan nagbigay lang ang Board ng provisional increase,” pahayag ni LTFRB technical division head Joel Bolano sa panayam ng DZBB.

“Ang petisyon ay gawing P15 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P13,” ani Bolano.

Noong Oktubre 2023 ay inaprubahan ng LTFRB ang P1 provisional increase sa pamasahe sa mga public utility jeepney, dahilan para maging P13 ang pamasahe sa traditional jeepneys at P15 sa modern jeepney.

Kamakailan ay sinabi ng LTFRB na sinusuri nito ang petisyon ng iba’t ibang transport groups na dagdagan ang minimum fare sa jeepney.

“The LTFRB is reviewing the petition thoroughly and will consider all relevant factors, including fuel price trends, inflation rates, and the overall economic impact on the riding public,” ayon sa ahensya.

Sa kabila nito, sinabi ng LTFRB na nais din nilang ikonsidera ang posibleng impact nito sa mga commuter. RNT/JGC