MANILA, Philippines- Ibinasura ng Pasig court ang hiling ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy na hospital arrest.
Batay sa ulat, sinabi ng legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon na posible silang maghain ng motion for consideration kasunod ng desisyon ng korte.
Naghain ang kampo ni Quiboloy ng mosyon sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 para sa hospital arrest ni Quiboloy at isa sa kanyang co-accused na si Ingrid Canada, noong Setyembre.
Giit ng kampo ni Quiboloy, ang dalawa ay mayroong medical conditions at nahihirapan sa custodial facility. Subalit, pinabulaanan ito ng mga pulis.
Kasalukuyang nakaditene si Quiboloy sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame habang si Canada na kabilang sa kanyang co-respondents ay inilipat sa Pasig City Jail.
Nahaharap si Quiboloy sa non-bailable qualified human trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208, as amended, sa Pasig court.
Inireklamo rin siya ng kasong may kaugnayan sa Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. RNT/SA