Home NATIONWIDE ‘Hitman’ ni Teves nanlaban, patay sa operasyon

‘Hitman’ ni Teves nanlaban, patay sa operasyon

DUMAGUETE CITY –HINDI umubra ang pagiging ‘hitman’ at isa mga most wanted person sa buong Central Visayas region matapos manlaban sa mga awtoridad habang isinisilbi ang arrest warrant kahapon sa Bayawan City.

“The suspect Mayagma was cornered in a game farm and when approached by covert operatives, he pointed his firearm toward the police officers with the intention of shooting the enforcers,” anang PRO7.

Hindi na umabot pang buhay ng idating sa Bayawan District Hospital ang suspek na kinilalang si Alex Manegos Mayagma, ng Barangay Minaba, Bayawan City.

Batay sa report ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO) bandang 10:55 AM naispatan ng mga pulis at militar sa Barangay Malabugas at isisilbi sana ang warrant of arrest laban kay Mayagma.

Agad na hinuli ang suspek subalit nanlaban ito at binunot ang baril saka itinutok sa pulis.

Nagawa naman naagaw ng mga pulis ang baril kay Mayagma subalit muli itong bumunot pa ng isang baril kaya napilitan na ang mga pulis na barilin na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ayon sa pulisya, sangkot si Mayagma sa serye ng patayan sa buong lalawigan at ilan lamang sa mga ito ay ang pagpatay kay Governor Roel Degamo noong March 4, sa Pamplona at Board Member Miguel Dungog ng Siaton noong 2019.

Si Mayagma ang tinuturing na isa sa hitman ni suspended NegOr solon Arnie Teves./Mary Anne Sapico