SA mapa ng mundo, tila manipis lamang na guhit ang Strait of Hormuz ngunit sa likod ng payak nitong anyo ay nakatago ang isa sa pinakamahalagang daanan ng kalakalan sa buong mundo.
Dito dumaraan ang malaking bahagi ng langis na ginagamit ng maraming bansa. Kapag nagkaroon ng kaguluhan, lahat ay apektado—pati ang ekonomiya ng mundo ay agad na nanginginig.
Para sa mga tripulante ng barko, lalo na sa mga marino na araw-araw na naglalayag sa mga rutang ito, ay nasa isipan nila ang buhay at kaligtasan. Isang maling galaw lamang ay tiyak na may lilipad na na maaaring mauwi sa trahedya.
Kaya sa tuwing nababanggit ang Strait of Hormuz, Isa itong paalala kung gaano kasensitibo ang balanse ng kalakalan, kapangyarihan, at seguridad sa mundo.
SERBISYO HINDI SUNGIT
Mabuti na lamang at hindi nagpatumpik-tumpik si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ipa-recall agad ang nakunan ng video na kawani ng Department of Migrant Workers at isailalim sa imbestigasyon.
Ang mabilis na hakbang na ito ay malinaw na mensahe na hindi kukunsintihin ng pamahalaan ang anomang asal na nagpahihiya o nagpabababa sa dangal ng overseas Filipino workers.
Bawat OFW na lumalapit maging sa DMW o sa Overseas Workers Welfare Administration—ang dala nila ay hindi lamang mga papeles at kahilingan. Dala nila ang pag-asa na ang mga kawani ay laging nakahandang makinig at umalalay sa oras ng pangangailangan.
Maaaring may posibleng dahilan kung bakit nangyayari ito: Maaaring marami lang ang inaasikaso dahil may mga tanggapan na iilang staff lang ang naka-assign pero libo-libong OFW o Pilipino ang kanilang inaasikaso.
Posible kayang kakulangan sa training sa customer service dahil hindi lahat ng government personnel ay sapat ang training sa public relations o frontline service. Sila ay nag-aalala rin kasi na anomang oras ay pwedeng mabagsakan din sila ng bomba
Mahalagang tandaan na hindi lahat ng embahada ay masama ang serbisyo marami rin may damdamin at tapat pero kapag may maling asal, karapatan ng mamamayan ang maayos na serbisyo, at may mekanismo para managot ang mga opisyal.






