MANILA, Philippines – Patuloy na lumalala ang kultura ng korapsiyo sa Bureau of Immigration (BI) dahil kitang-kita sa CCTV footages na nagsasabwatan ang ilang tiwaling tauhan ng ahensiya upang patakasin ang puganteng Koreano kamakailan.
Ganito ang pananaw ni Senador Risa Hontiveros sa pinakahuling insidente ng sabwatan sa Immigration kaya nakatakas ang puganteng si Na Ikhyeon na muling nadakip ilang araw matapos “patakasin” sa kanyang selda sa BI.
Ayon kay Hontiveros, nanguna sa imbestigasyon sa “Pastillas scam” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kumpirmado ng CCTV footages na magkakasabwat ang ilang tiwaling opisyal ng ahensiya sa pagtakas ni Na.
“CCTV confirmed: the Korean fugitive didn’t just escape from the Bureau of Immigration, he was deliberately let go,” ayon kay Hontiveros.
Kahit muling naaresto ang pugante, sinabi ni Hontiveros na lubhang nakakaapag-aalala na kung hindi nabulgar sa publiko ang impormasyon ng pagtakas, maaaring walang ginawang “manhunt.”
“This is symptomatic of the failures and offenses of the BI in handling erring foreign nationals. The culture of corruption in the agency seems to be going awaym,” giit ng senador.
Sinabi ni Hontiveros na isusulong sa susunod na pagdinig ng subcommittee ang pag-subpoena sa CCTV footage kabilang ang CCTV sa loob ng Pegasus dahil posibleng doon nangyari ang sabwatan.
“Commissioner Viado should ensure that BI officials involved in this shameful incident be imposed the strictest penalties, including criminal liability under Article 223 of the Revised Penal Code. These government employees should have a little shame,” giit ng senador.
Nitong Marso 4, muling nadakip ng Immigration operatives si Nah sa isang residential area sa Barangay Pampang, Angeles City, Pampangan kasama ang kasabwat nitong si Kang Changbeom.
Naaresto ang dalawa nitong Linggo ng umaga. Nakumpirma din ng BI na sangkot si Na’ sa panloloko sa South Korea.
Kapwa inilipat ang dalawa sa BI detention facility sa loob ng Camp Bagong Diwa in Taguig City.
Sinibak sa tungkulin ang hindi pinangalanan na tatlong BI employees na tumulong sa pagtakas ni Na. Ernie Reyes