Manila, Philippines- Ang napabalitang horror film ni Nora Aunor supposedly intended noong isang taon pa ay ipalalabas na.
Ito ‘yung kontrobersyal na Mananambal.
Mula sa direksyon ni Adolf B. Alix Jr., it was also reported to have been submitted to last year’s MMFF.
Kontrobersyal ito in the sense na pinalagan ng mga Noranians ang movie poster nito.
Mas malaki kasi ang exposure doon ng co-star ng Superstar na si Bianca Umali.
Ang terminong Mananambal ay tumutukoy sa tradisyonal na paraan ng panggagamot endemic to Siquijor.
At the same time, nagtataglay rin ang mananambal ng kapangyarihan sa sorcery o pangungulam.
Kung nagkataon palang nakapasok ito sa Magic 10 ng MMFF last year ay kabaligtaran ang isang kalahok doon na Isang Himala–originally starred in by Nora–na gumaganap namang faith healer.
Showing na sa darating na February 19 ang Mananambal.
Si Alix din ang pinagkatiwalaang may-akda ng libro hango sa buhay at career ni Nora. Ronnie Carrasco III