Home ENTERTAINMENT Rico, humingi ng dasal para sa maysakit na utol!

Rico, humingi ng dasal para sa maysakit na utol!

Manila, Philippines- “This is our toughest battle!”

Balot ng lungkot ang Instagram post na ito ni Rico Blanco.

Ang tinutukoy ni Rico ay ang sinusuong ng kanyang pamilya na may kaugnayan sa kanyang nakababatang kapatid, si King.

Ibinahagi ni Rico ang ilang mga larawan na magkasama sila ni King.

“Beautiful boy” kung ilarawan ni Rico si King na kasama niyang lumaki.

Madalas pa nga raw silang mapagkamalang kambal.

Pareho rin daw nilang sinuong ang mga hamon sa buhay.

Ani Rico, na-diagnose kamakailan si King na may “advanced and aggressive type of squamous cell carcinoma (sinus).”

Nagdesisyon daw si Rico na idaan ang malungkot na balitang ito sa social media para humingi ng panalangin para sa maysakit na kapatid.

Hindi raw niya alam kung paano haharapin ang buhay nang wala si King who’s one year younger.

Naantig naman ang damdamin ng mga netizens at sinabing ituring silang mga prayer warriors para sa ikabubuti ng kalagayan ni King.

Prayers for King Blanco’s speedy recovery mula sa Remate Online. Ronnie Carrasco III