Home NATIONWIDE House-approved OVP budget, daragdagan ng Senado – Zubiri

House-approved OVP budget, daragdagan ng Senado – Zubiri

MANILA, Philippines – Inihayag ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri na may ilang kasamahan sa Senado ang nagnanais na dagdagan ang badyet ng Office of the Vice President sa 2025 na tinapyasan nang todo ng Kamara.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na Kapihan sa Senado, sinabi ni Zubiri na may senador na gustong dagdagan ang badyet ng OVP nang kaunti.

”Yung appetite ng ibang senador is dagdagan pa nang kaunti,” aniya.

Ngunit, sinabi ni Zubiri na hindi pa napapanahon ang kanyang espekulasyon dahil marami pang puwedeng mangyari.

“In fairness, dito nag attend po siya. And she answered questions raised by some of our senators. She was very engaging with the senators, so walang problema,” aniya.

Tinapyasan ng Mababang Kapulungan nitong Miyerkoles ang panukalang badyetng OVP mula sa P2 bilyon tungo sa P733 milyon dahil tumanggi si Vice President Sara Duterte na sagutin ang ilang katanungan hinggil sa baydyet kabilang ang paggamit ng confidential funds.

Hindi na dumalo si Duterte sa pagdinig ng Kamara sa badyet ng OVP bagkus natuklasan na nagpunta ito sa ilang piyesta sa Bicol Region.

Nakatakdang ayusin ang bicameral conference committee ang sigalot sa halagang gustong ilaan sa OVP. Ernie Reyes