MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng House committee on good government and public accountability ang detention period ni Office of the Vice President (OVP) chief of staff Undersecretary Zuleika Lopez ng hanggang 10 araw.
Kasabay ng pagdinig ng panel nitong Lunes, Nobyembre 25, isinulong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang hakbang na palawigin ang detention ni Lopez na unang itinakda sa loob ng limang araw.
“In view of what happened during the last two days or so, I would like to consider moving for a reconsideration of our resolution in so far as it’s limited the period of detention to only five days. I move Mr. Chair that the period of detention of Atty. Lopez be 10 days instead of five days,” ani Castro.
Walang tumutol sa mosyon, kung kaya’t inaprubahan ito ni committee chair Manila 3rd District Rep. Joel Chua approved.
Nitong weekend, matatandaan na nagsagawa ng kabi-kabilang press conference si Vice President Sara Duterte para batikusin ang mga isyu na may kaugnayan sa pagde-detain kay Lopez sa Kamara.
Dito na rin ibinunyag ni Duterte na nag-utos umano siyang ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., first lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. RNT/JGC