Home NATIONWIDE House inspection ng impeachment prosecutors’ area sa Senado kinansela

House inspection ng impeachment prosecutors’ area sa Senado kinansela

MANILA, Philippines – Kinansela ang ocular inspection ni House Secretary General Reginald Velasco sa prosecutors’ working area sa Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.

“Nope. May scheduled meeting daw sila after lunch so alanganin sa oras,” sinabi ni Bantug nang tanungin kung itutuloy ang nakatakdang pagbisita sa Senado ngayong Miyerkules, Marso 12.

Noong nakaraang linggo, sumulat si Velasco kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na humihiling ng kwarto para sa House Prosecution Panel and Secretariat Support Group kasabay ng impeachment trial ng Bise Presidente.

Hiwalay na sumulat din si Speaker Martin Romualdez kay Escudero para sabihin na ang Kamara “trusts that the proceedings will be conducted w/ fairness, impartiality, & strict adherence to the provisions of the Constitution.”

Si Duterte ay na-impeach noong Pebrero 5 sa mahigit 200 mambabatas na nag-eendorso ng reklamo.

Ipinasa sa Senado sa kaparehong araw ang Articles of Impeachment.

Kalaunan ay inilabas ni Escudero ang initial trial timetable na inaasahang magsisimula sa Hulyo 30. RNT/JGC