Home METRO Residential area sa Sta. Mesa, Maynila nasusunog!

Residential area sa Sta. Mesa, Maynila nasusunog!

MANILA, Philippines – Nasusunog ngayon ang isang resdiential area sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang sunog ay sumiklab sa bahagi ng V. Mapa Extension sa Brgy. 602 sa nasabing lungsod.

Nagsimula ang sunog alas-10:48 ng umaga na agad itinaas sa unang alarma.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, inakyat na sa ikatlong alarma ang sunog ganap na alas 11:15 habang patuloy naman ang pagdating ng mga bumbero sa lugar.

Sa inisyal na ulat, pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan na natupok ng apoy.

Naging pahirapan naman sa mga bumbero ang pag-apula sa sunog dahil na rin sa mga kawad ng kuryente na nakahambalang at naglaylayan.

Hindi pa batid ang sanhi ng sunog dahil nagpapatuloy pa itong inaapula. Jocelyn Tabangcura-Domenden