MANILA, Philippines – Naghahanda na ang mga lider ng Kamara ng 19th Congress para sa paparating na 20th Congress, at nagsagawa ng “unity meeting” ilang araw matapos ang halalan.
Ayon kay Deputy Speaker David Suarez, a congressman mula sa Quezon Province, tinutukan sa pagpupulong ang “purely administrative matters” sa susunod na tatlong taon.
“We have three years and 315 congressmen—so there’s a lot of groundwork to be laid out, especially on committee assignments and organizational concerns,” ani Suarez.
Tinutukan din dito ang administrative arrangements at legislative priorities ng 20th Congress na nakatakdang mag-convene sa Hulyo.
Patungkol naman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, inaasahang ipipresenta ng House prosecutors ang articles of impeachment laban sa kanya.
Sa ngayon, nakatakdang lumahok bilang miyembro ng House prosecution panel sina Mamamayang Liberal nominee Leila De Lima, at Akbayan nominee Chel Diokno.
Ang panel na binuo bago ang eleksyon ay kinabibilangan nina Antipolo City Rep. Romeo Acop, Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor, Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, Batangas 2nd District Rep. Jinky Luistro, 4Ps party-list Rep. Nonoy Libanan, Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan Panaligan, at San Juan District Rep. Bel Zamora.
Hindi pa tiyak ang reelection ni 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez dahil inaayos pa ng Commission on Elections ang seat distribution para sa party-list groups. RNT/JGC