Home NATIONWIDE 13 senador nais ng ‘independent, transparent, competent’ Senate president – Lacson

13 senador nais ng ‘independent, transparent, competent’ Senate president – Lacson

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator-elect Panfilo Lacson na mayroong 13 incumbent at incoming senators ng 20th Congress ang nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng isang Senate president na “independent, transparent, and competent.”

“Napag-usapan namin ng ilang mga senador, yung mga incumbent ngayon at tsaka yung mga incoming. Ang aim namin is to have an independent, credible, and transparent 20th Congress of the Republic of the Philippines,” sinabi ni Lacson sa panayam matapos siyang maiproklamang senador nitong Sabado, Mayo 17.

“Kaya kung sino man ang masuportahan, ito lang ang ating pagdidiinan, kailangan independent tayo, kailangan transparent tayo, kailangan competent tayo,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman kung ilan sa mga senador ng 20th Congress ang lumahok sa diskusyon, sinabi ni Lacson na:

“I lost track… At least 13.”

Dagdag pa niya na ang usapan ay isinagawa “individually.” RNT/JGC