Home NATIONWIDE Tertiary education law palalawakin ni Bong Go

Tertiary education law palalawakin ni Bong Go

MANILA, Philippines – Tututukan ni Senator-elect Bong Go ang tertiary education at makapagbigay ng mas maraming academic opportunities sa mga kolehiyo.

Ito ang ipinangako ni Go sa pagbibigay niya ng mas maraming “pro-poor” programs sa kalusugan, edukasyon, at sports sa kanyang ikalawang termino bilang senador.

Ani Go, sa tulong ng mga kapwa senador ay ipagpapatuloy nila ang pagtulong sa future generations.

“We need to invest more in education like expanding further the law promoting the Universal Access to Tertiary Education signed by former President Duterte so the students will be able to choose more programs and avail free education,” saad sa speech ni Go nang maiproklama bilang senador.

Naisabatas ang Republic Act No. 10931 o free college education law noong Agosto 3, 2017. Naihain din sa Kongreso ang kaparehong mga panukala mula 2016 hanggang 2017.

Dagdag pa, iginiit din ni Go ang kahalagahan ng sports development sa bansa “so that aspiring young athletes can be given the opportunity to improve their skills and hopefully eventually produce more olympic medalists.”

Samantala, sa kanyang speech ay pinasalamatan ni Go si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang suporta sa kandidatura.

Inalala niya ang dating Pangulo na naging “mentor and inspiration” niya sa mahigit 20 dekada.

Nakakuha si Go ng kabuuang 27,121,073 boto. RNT/JGC