Home NATIONWIDE Huaning bahagyang bumilis; palabas na ng PAR

Huaning bahagyang bumilis; palabas na ng PAR

239
0

MANILA, Philippines – Bahagyang bumilis ang Tropical Depression Huaning patungo sa Ryukyu Island sa bansang Japan.

Ayon sa PAGASA nitong Martes ng umaga, Agosto 19, hindi direktang makakaapekto sa bansa ang bagyo.

Inaasahang kikilos ito sa direksyong pa-hilaga at maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility ngayong umaga at lalapit sa Ryukyu Islands ngayong araw.

Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Huaning sa layong 650 kilometro silangang hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong north northeastward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Samantala, ngayong araw ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm angĀ Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region dahil sa easterlies.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm din ang mararanasan sa Ilocos Norte at Apayao dahil sa trough ng tropical depression.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here