MANILA, Philippines – Sinimulan nitong Linggo, Setyembre 13, ang ikatlo at huling araw ng 2026 Bar Examinations sa 15 testing centers sa buong bansa.
Tatalakayin sa huling araw ang Criminal Law, Remedial Law, at Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises.
Isinagawa ang unang araw ng pagsusulit noong Setyembre 6 para sa Political and Public International Law, Commercial Law at Taxation. Samantala, Civil Law, Land Titles and Deeds, Labor Law at Social Legislation naman ang sakop ng ikalawang araw noong Miyerkules.
Ayon kay Associate Justice Samuel Gaerlan, chairperson ng 2026 Bar Examinations, “reasonable” ang mga tanong sa pagsusulit dahil nakabatay ang mga ito sa itinakdang syllabus.
Umabot sa 12,029 examinees ang dumalo sa unang araw ng pagsusulit. Sa bilang na ito, 6,773 o 56.3% ang babae habang 5,256 o 43.7% ang lalaki.
Mayroon ding 304 examinees na persons with disabilities at 285 senior citizens. Ang pinakabata ay 24-anyos habang ang pinakamatanda ay 84-anyos. Jocelyn Tabangcura-Domenden