Home METRO 14-anyos stude, dedo sa bundol ng 2 motorsiklo

14-anyos stude, dedo sa bundol ng 2 motorsiklo

4
0

LAGUNA, Philippines – Patay ang isang 14-anyos na Grade 8 student matapos aksidenteng mabundol ng dalawang motorsiklo sa National Highway, Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas na Dex, 14, na residente ng Purok 4, Calle Real, JP Rizal Boulevard, Barangay Tagapo. Agad siyang isinugod sa New Sinai Hospital ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nasa kustodiya naman ng Sta. Rosa Component City Police Station ang driver ng unang motorsiklo na nakilalang si alyas Lou, 23, vendor at tubong Masbate.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:18 ng gabi noong Setyembre 12, tumatawid ang biktima sa pedestrian lane nang aksidenteng mabundol ng Rusi motorcycle na may plakang D4Q909 na minamaneho ni Lou.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at muli umano itong nabundol ng isa pang paparating na motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here