GAZA – Out of service na ang pinakahuling major health facility sa northern Gaza na Kamal Adwan Hospital, ayon sa World Health Organization.
“This morning’s raid on Kamal Adwan Hospital has put this last major health facility in north Gaza out of service. Initial reports indicate that some key departments were severely burnt and destroyed during the raid,” saad sa pahayag ng WHO.
Sinabi ng military ng Israel na ang ospital ay nagging “a key stronghold for terrorist organizations and continues to be used as a hideout for terrorist operatives” nang magsimula ng mas maigting na operasyon ang Israeli forces sa northern Gaza noong Oktubre.
Ayon sa WHO, nasa 60 health workers at 25 pasyente ang nasa kritikal na kondisyon, kabilang ang mga nasa ventilator, na umano’y nananatili pa rin sa ospital.
Ang mga pasyenteng nasa moderate hanggang severe na kondisyon ay napilitang ilikas sa sira at non-functional na Indonesian Hospital.
“This raid on Kamal Adwan Hospital comes after escalating restrictions on access for WHO and partners, and repeated attacks on or near the facility since early October,” sinabi pa ng WHO.
“Such hostilities and the raids are undoing all our efforts and support to keep the facility minimal functional. The systematic dismantling of the health system in Gaza is a death sentence for tens of thousands of Palestinians in need of health care.
“This horror must end and health care must be protected.”
Dahil dito ay muling ipinanawagan ng WHO ang ceasefire sa magkabilang panig.
Ang Kamal Adwan Hospital ay matatagpuan sa Beit Lahia, isang lungsod na nasa sentro ng matinding Israeli military operation. RNT/JGC