Home OPINION HUSTISYA PARA KAY PERCY

HUSTISYA PARA KAY PERCY

ANG pagtatamo ng hustisya para kay Percy Lapid, isang mamamahayag na pinaslang noong Oktubre 3, 2022, ay dapat na madali na lang para sa Philippine National Police at sa National Bureau of Investigation. Kasi naman, natukoy na ang pagkakakilanlan ng bawat suspek. Salamat sa masusi, matiyaga at mahusay na imbestigasyon.

 Pero tingnan natin ang mga nangyari kasunod nang nakapanghihilakbot na gabing iyon nang pagpatay kay Percy. Totoo na nakaiskor ang gobyerno sa pagkakasentensiya kay Joel Escorial — 16 na taong kulong para sa pamamaslang. Kung ako ang kamag-anak ni Lapid, hindi maituturing na tagumpay ito. Mas maituturing pa ito na pakunsuwelo na nagkukunwaring hustisya.

 Pero ang tunay na nakakagalit ay silang hindi pa rin naaaresto hanggang ngayon. Si Gerald Bantag — ang dating top jailer na inaakusahan bilang utak sa pagpatay — ay hindi pa rin naaaresto pagkatapos niyang dumalo sa graduation ng anak niyang lalaki sa Philippine National Police Academy sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite noong Marso 2023. Mismong si President Marcos pa nga ang commencement speaker sa okasyon. Ang magkapatid na Dimaculangan, na parehong suspek din, ay pugante pa rin hanggang ngayon.

Paanong nakalalaya pa rin ang mga ito?

Samantala, ang iba pang mga pangunahing suspek na pupwede sanang nagsiwalat ng katotohanan, ay kumbinyente na sa kanilang pagkakalibing. Grabeng eskandalo!

Kung naging patas lang sana ang lahat, hindi sana tayo basta tititig na lang sa libingan ng mga suspek: ang isa sa kanila ay pinaslang sa kulungan; ang isa ay namatay dahil sa misteryosong sakit sa puso; at ang isa pa, kinitil daw ang sariling buhay nitong Linggo lang?

Oh, please naman… parang pangbaliw lang ang script na ito! Isang taimtim na pakikiramay muli sa pamilya ni Percy.

                                *        *       *

SHORTBURSTS. Para sa mga komento at reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X.